CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Thursday, May 21, 2009

Richard Gutierrez caught in a car accident

Naaksidente ang sasakyan ng aktor na si Richard Gutierrez bandang ala-una ng madaling-araw ngayon, ika-22 ng Mayo, sa Santa Rosa-Tagaytay Road, Puting Kahoy Village, sa Silang, Cavite.

Ayon sa panayam ng dzBB kay PO1 Bonifacio Tanola of Cavite Police, namatay ang kasama ni Richard na isinugod sa Adventist University of the Philippines Hospital. Habang ang 25-year-old na anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama at ang kanyang bodyguard, na kinilalang si George Mastura, ay parehong nagtamo ng sugat at dinala sa Tagaytay Hospital.


Bale bumangga po sa poste, malalim ang lugar na binagsakan niya. Medyo may bangin at bumangga sa puno ng niyog," ang sabi ni Tantola sa dzBB radio.

Sa report naman ng dWIZ, ang assistant ni Richard ay pinangalanang Norman Pardo.

Samantala, ilan pang impormasyon ang umabot sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng text message. Ang source ay isang taga-industriya. Ayon sa text message, "Si Richard yung nagda-drive...[Nissan] Skyline na sports car...Tumalsik yung kasama niya di pa nila nakita sa sobrang lakas ng talsik tapos nung nakita nila patay na..."

Idinagdag pa niya na hiniram lang daw ni Richard si Norman, ang PA, kay Raymond. Matagal nang naninilbihan si Norman sa pamilya Gutierrez. Noong nasa States pa ang mga Gutierrezes, kasa-kasama na raw ito bilang alalay kay Eddie, ang padre de pamilya ng mga Gutierrez.

Sa ngayon, nasa Asian Hospital raw si Richard. Nag-a-undergo ito ngayon ng CT scan, isang proseso na tumitiyak kung walang dapat ipangamba sa ulo ng isang pasyente.

Ayon sa isa pang source na tiga-industriya rin, sinabi raw ng GMA-7 CEO na si Atty. Felipe Gozon na sasagutin ng GMA-7 ang lahat ng expenses sa naturang aksidente: ang pagpapa-ospital ng mga naaksidente at ang pagpapalibing ng PA na namatay.

Nang nangyari ang aksidente, ang mga ito ay galing sa taping para sa plug ng Full House, isang adaptation ng isang Koreanovela, na siyang bagong teleserye ni Richard. Sinasabing ang Zorro ay magtatapos bandang Hulyo.


Source: Trisha Alvarez (Philippine Entertainment Portal)


0 comments: