Naging isa sa top love teams noong 90s ang tambalan nina Jolina at Marvin. Toprating ang mga TV shows na pinagsamahan nila tulad ng Gimik, Labs Ko Si Babes, at Esperanza. Kumita naman sa takilya ang mga pelikulang pinagbidahan nila tulad ng F.L.A.M.E.S. (The Movie); Kung Ayaw Mo... Huwag Mo; Labs Kita, Okey Ka Lang? Hey Babe; at Gimik: The Reunion. DENNIS & JENNICA. Medyo matagal-tagal na ring loveless si Dennis pagkatapos niyang maugnay sa dalawang babae si Carlene Aguilar na ina ng kanyang anak na si Calix Andreas at si Cristine Reyes na nabalitang sinugod diumano noon ni Carlene. Since then ay wala nang na-link kay Dennis kahit na sinong babae. Noong December 2008 ay nag-celebrate si Jennica ng first anniversary nila bilang magkarelasyon ni Mart Escudero. Pero a month later ay biglang nabalitang split na ang dalawa. Wala namang ikinukuwento si Jennica tungkol sa tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Mart. Nasabi na lang ni Jennica na tama na magkaibigan na lang sila, although nakapagbitiw ng salita si Mart noong birthday niya na ang kanyang wish ay ang magkabalikan sila ni Jennica. Naramdaman siguro ni Mart na sayang ang team-up nila ni Jennica dahil meron na silang mga fans. Pero ayon kay Jennica, hanggang magkaibigan na lang sila ni Mart. Sina Dennis at Jennica ang magkatambal sa Adik Sa’Yo.Una silang nagkasama bilang magkapatid sa telefantasya na Gagambino.
Loveless stars star in the romantic comedy Adik Sa’Yo
Pare-parehong loveless ang apat na stars ng upcoming primetime romantic-comedy series ng GMA-7 na Adik Sa’Yo-sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Jennica Garcia, at Dennis Trillo. Ang Adik Sa’Yo, na ididirek ni Joel Lamangan, ang papalit sa matatapos nang soap nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang
JOLINA & MARVIN. Huling nagkatambal sina Marvin at Jolina sa I Luv New York noong 2006. Nagkaroon naman ng guest role si Marvin sa pelikulang I.T.A.L.Y., kung saan bida sina Jolens at Dennis. Karelasyon pa noon ni Jolens si Bebong Munoz at si Marvin naman ay kung kani-kanino nali-linkl tulad nina Pauleen Luna, Angel Locsin, Diana Zubiri, at Katrina Halili.
Ngayon ay hiwalay na si Jolens kay Bebong at si Marvin naman ay wala pang nababalitaan na bagong karelasyon ngayon. Sabi nga ay destined ang dalawa na magtambal ulit dahil patok na patok sila sa kanilang weekly show na Dear Friend.
Wednesday, April 29, 2009
Posted by rose at 9:00 PM 0 comments
Labels: Adik sa'yo, comedy, Dennis Trillo, Jennica Garcia, Jolina Magdangal, loveless, Marvin Agustin, romantic, stars
Tuesday, April 28, 2009
Snooky Serna offended by co-star Gina Alajar’s “reminder”
Kasama si Snooky Serna sa indie film na Dukot ng ATD Entertainment, na pinagbibidahan nina Allen Dizon at Iza Calzado. Gumaganap si Snooky rito bilang si Myrna, isang human rights leader.
Nagkaroon ng story conference ang Dukotnoong April 27 sa Gerardos restaurant sa Quezon City. Pagkatapos ng storycon ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Snooky.
Sa aming pakikipag-usap kay Snooky ay inilabas niya ang kanyang hinaing sa co-star niya sa pelikula at ang multi-awarded actress na si Gina Alajar. Ayon kay Snooky, na-offend siya sa ginawang biro ni Gina during their story conference.
Kuwento ni Snooky, "Kasi nung may kanya-kanya kaming time na tinanong, binigyan kami ng kanya-kanyang moment to answer. And then, parang we were asked about our reaction or yung desisyon namin bakit namin ginawa itong pelikula, anong stand namin, ganyan. Tapos, habang nagsasalita ako... I mean, aminado naman ako na rumolyo ako nang rumolyo, di ba? Pero parang uncalled for na... Nung dumating na sa part na... I don’t know, actually, parang wala ngang sense yata, e, na bigla niyang pinasok yung... Saka regardless, e, sabihin na nating we were talking about... No, e, wala pa ring sense kasi we were talking about my role, di ba? Hindi naman pinag-uusapan dito yung personal life ko, e. Hindi si Snooky kundi yung papel ko. Tapos, biglang siningit niya [Gina]’Oy, huwag male-late, huh! Snooky, huwag male-late! Yun bang ang dami-daming tao, tapos nagtawanan.
"Sabi ko nga, kung gusto mong maging kwela-sa utak ko lang naman-kung-gusto mong naging nakakatawa... Siguro thoughtlessness lang yung sa kanya, immaturity on her part, huwag naman sanang... Sana pag-uwi niya ngayong gabi, ipinagdarasal ko naman na mapag-isip-isip sana niya na... Ate ko pa naman siyang naturingan all these years. And she’s how old, no? Matanda na siya, she should know better na. Hindi naman tama siguro na magpahiya ka ng tao. You make me a laughing stock at the expense of you being kwela. Hindi ako sold sa gano’n.
“Bigla siyang sumingit habang nagapaliwanag ako na para bang... Ang feeling ko, anong connection ng pag-late-late ko dun sa role ko?" tuluy-tuloy na pahayag ng aktres.
Magiging challenge ba para sa kanya ang sinabi ni Gina para hindi siya ma-late sa kanilang shooting?
“I’m so challenged," sagot ni Snooky. "Pero alam ninyo, ayokong magyabang, kapatid. Baka sabihin naman ng iba, Naku, napaka-self-righteous naman nito.’ Pero it’s all by God’;s grace pa rin. Ako, on my end, I will really try my best to do my homework talaga na... Siguro kung pupuwede lang pasampal ako sa mga anak ko sa gabi para makatulog ako nang maaga, para mawala ang insomnia. At para makapag-deliver ng tamang dialogue, kasi nakakahiya kay Allen [Dizon, producer of Dukot], kay Direk [Joel Lamangan]."
Anong message ang gusto niyang iparating kay Gina?
“Hindi, ang sa akin, ang feeling ko... Sabagay, sabi sa akin ni Tito Mario [Bautista, veteran entertainment columnist] kanina, ‘Huwag nang ganoon, huwag kang sensitive’Sabi ko, it’s not being sensitive, or maybe sabihin na nating I am. It’s because stigma na yun sa akin e, nakakabit na sa akin yung pagong, late-late. And then, eto ako, nagta-try na magbago.
“And then, uunahan niya [Gina] ako, magbibigay na naman siya ng idea sa mga tao na, Uy, yan si Snooky, baka nakakalimutan ninyo, pagong yan, mali-late yan.’And I didn’t get the point, why? Bakit kailangan pa niyang ipaalala sa ating lahat? It’s so painful to me. It’;s not funny. Siguro sa ibang tao nakakatawa, pero sa akin na... Dun ako naapektuhan ng career ko, dun ako nasira. Ngayon, nagbabagong-buhay... Kumbaga, masakit sa akin yung joke na yun.Hindi siya funny.
“But then, ang reaction ko, we don’t have to be friends. Marami kaming eksenang gagawin together. But then again, I don’t care naman. Hindi sa nagyayabang ako, ha. But I hope and pray that I will have the resilience enough and the courage na huwag niya akong ma-intimidate. Kasi hindi ko naman siya planong awayin, e. Hindi ko siya planong laitin. Siya nga ang nanglait sa akin, e, in a way.
"So, ang sa akin na lang siguro, ;huwag na lang kaming magkibuan sa set, tutal, we don’;t have to be friends, di ba? We only have to act. We only have to be castmates, di ba?" pahayag ni Snooky.
At press time ay sinusubukan ng PEP na kunin ang reaksiyon ni Gina tungkol sa mga pahayag na ito ni Snooky.
Source: Rommel Placente (Philippine Entertainment Portal)
Posted by rose at 8:50 PM 0 comments
Labels: dukot, gina alajar, offend, offended, snooky serna
Monday, April 27, 2009
Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo tie the knot
After almost a year of being engaged, celebrity couple Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo finally tied the knot early Tuesday morning, April 28.
The couple were married in an old church somewhere in southern Luzon around 7 a.m. The private ceremony, which was closed to the media, ended after almost an hour.
The ceremony was attended by the couples' families and closest friends in and outside showbiz. Spotted at the event were Santos' mother, Carol, Senator Francis Pangilinan, Megastar Sharon Cuneta and daughter KC Concepcion, Suzy Entrata, Paolo Abrera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid and directors Joyce Bernal and Rory Quintos.
As of posting time, the newly wed couple and their visitors are headed to an undisclosed private resort for the reception.
As early as last night, the couple and some of their guests were already spotted near the church to make sure that they will be present for the early wedding ceremony.
The wedding was officiated by Fr. Tito Caluag who was reported to be an hour late for the ceremony.
The couple decided to marry at daybreak to signal the new start in their lives as a married couple.
Agoncillo and Santos were first paired in the teleserye "Krystala" where their romance blossomed. They have starred in two movies together -- "Kasal, Kasali, Kasalo" and "Sakal, Sakali, Saklolo" -- both of which have been heavy earners at the tills.
Their next project for ABS-CBN is the teleserye "George & Cecil."
Agoncillo proposed marriage to Santos on her 30th birthday last year. They revealed the engagement a month later.
The couple have been mum about the actual date of their wedding. A news report earlier said the wedding would be held on May 2.
Santos earlier said they plan to go to Mexico for their honeymoon, according to an SNN: Showbiz News Ngayon report.
Santos, who turns 31 on May 11, has an adopted daughter named Johanna Lois or Yohan.
Source: abs-cbnNEWS.com
Posted by rose at 8:17 PM 0 comments
Labels: ceremony, judy ann santos, ryan agoncillo, wedding
Sunday, April 26, 2009
Nadia Montenegro doesn’t see clear possibility of renewing her friendship with Gretchen Barretto
Walang epekto kay Nadia Montenegro ang hindi pagdating ng dating kaibigang si Gretchen Baretto sa katatapos na 14th Goma Cup The Reunion, na ginanap sa Fairways and Bluewater sa Boracay noong April 22 to 25. Aniya, hindi pa naman bumabalik ang dati nilang pagkakaibigan kahit nagkausap na sila nito sa telepono.
"Fast and civil" ang tawag ni Nadia sa phone conversation nila ni Gretchen. Walang masyadong maikuwento si Nadia dahil nangumusta lang daw sa kanya ang si Gretchen.
Kuwento ni Nadia sa PEP (Philippine Entertainment Portal), kausap daw ni Pops Fernandez si Gretchen nong mga sandaling yon. Apparently, magkasama sina Gretchen at Pops kaya inabot ng huli ang cell phone sa una para kausapin si Nadia.
Kinumusta lang daw siya ni Gretchen at ang kanyang mata. Maikli lang daw ang mga sagot ni Nadia sa usapan nila ng dating kaibigan.
Sinabihan naman daw siya ni Gretchen ng "take care" at nagbilin itong ipaalam sa kanya kapag naipasok na siya sa ospital for operation.
Hindi lang namin alam kung sinadya ni Nadia na huwag tawagan si Gretchen o nawala yon sa isip niya. Sinabi lang nito sa amin na iyon ang una at huling pag-uusap nila ng dating kaibigan matapos ang halos isang taon nilang hindi pagkikibuan.
Wala pang makitang malinaw na posibilidad si Nadia kung pwede pang manumbalik sa dati ang pagkakaibigan nila ni Gretchen. Hindi pa nakikita ni Nadia na magandang simula ang pag-uusap nila sa telepono. Pero inamin niyang nasorpresa siya sa ginawa ng aktres.
NADIA’S EYES. Maliit pa ang kaliwang mata ni Nadia. Matatagalan pa bago ito bumalik sa dating hitsura.
Salaysay ni Nadia, tinanggal daw ang kanyang mata at saka ibinalik uli ng doktor. Tiniis lang daw niya ang sakit para hindi siya tuluyang mabulag.
Awa ang unang naisip ni Nadia sa doktor na unang nag-opera sa kanyang mata kaya hindi niya magawang idemanda ito. Bagamat may responsibilidad talaga ang doktor sa muntik nang pagkabulag ng kanyang mata, may katandaan na rin ito kaya hindi niya magawang kasuhan ito.Itinuturing na lang niyang insidente o kaya ay "malas" ang pagkakaroon ng problema ng kanyang mata matapos itong lagyan ng implant at maimpeksyon.
Hindi nakapaglaro si Nadia ng golf sa Goma Cup dahil pinagbawalan siya ng doktor. Hindi siya pwedeng magbuhat ng mabibigat at hindi rin siya pwedeng ma-stress. Ang naging partisipasyon na lang nito sa event ay ang pagiging commentator o host sa unang araw ng watersports game.
Inamin ni Nadia na napikon siya sa mga sumbong na narinig niya sa pagkakabalya diumano ni Marco Alcaraz sa anak niyang si Ina Asistio sa second day ng relay. Kung nakita raw niya ang insidente ay baka inayaw na niya on the spot ang actor.
Pinalampas niya ang ginawa ni Marco sa anak nong malaman niyang nag-sorry agad ito.
Source: Rey Pumaloy (Philippine Entertainment Portal)
Posted by rose at 8:34 PM 0 comments
Labels: friendship, goma cup, gretchen, nadia, pep
Friday, April 24, 2009
Latest Showbiz News
Vina Morales recalls her experience while giving birth to daughter Ceana…
Kahapon, April 25, kinausap ng Startalk host na si Joey de Leon via phone patch si Vina Morales na ngayon ay isa na ngang ganap na ina.
Pagkatapos i-congratulate ay pinansin agad ni Joey ang pangalan na napili ni Vina para sa anak which is Ceana.
Ayon kay Vina, "Its Ceana. It;s a combination of our names. Cedric and Vina. And then, sa babynames.com, ang meaning niya is God is Gracious."
Kumusta naman ang baby?
She’s very okay. Very healthy baby. Nakikita ko nga ngayon sa TV. Nakakaaliw naman, first time ko siyang makita sa TV. Nakakaaliw," masayang sabi ni Vina upon seeing the picture of her baby on the GMA-7 showbiz talk show habang kinakausap siya ni Joey.
Umiyak ba siya nang una niyang makita ang anak?
Oo! And I cannot stop smiling also...ganoon pala yung feeling. Yung labor ko kasi, we took lamaze class. Pero hindi rin nakayanan, nag-epidural pa rin ako.
Kahapon lang ng umaga, 8:49 A.M. nang manganak si Vina with her baby girl, Ceana, a bouncing 6.9-pound baby.
"This morning lang at nagpapasalamat ako kay Dra. Granados, yung O.B. ko and kay Dra. Teodoro, yung pedia at Dra. Rivera at lahat ng nag-aasikaso sa amin dito sa Cardinal, thank you so much.
Biniro ni Joey si Vina kung kailan daw niya susundan si Ceana?
"Maryosep!" natawang sagot ni Vina. "Ang sakit pa ng tiyan ko. Mukhang matatagalan pa’yan kasi, I have to enjoy the baby.”
Source: Rose Garcia (Philippine Entertainment Portal)