CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Sunday, April 26, 2009

Nadia Montenegro doesn’t see clear possibility of renewing her friendship with Gretchen Barretto


Walang epekto kay Nadia Montenegro ang hindi pagdating ng dating kaibigang si Gretchen Baretto sa katatapos na 14th Goma Cup The Reunion, na ginanap sa Fairways and Bluewater sa Boracay noong April 22 to 25. Aniya, hindi pa naman bumabalik ang dati nilang pagkakaibigan kahit nagkausap na sila nito sa telepono.

"Fast and civil" ang tawag ni Nadia sa phone conversation nila ni Gretchen. Walang masyadong maikuwento si Nadia dahil nangumusta lang daw sa kanya ang si Gretchen.

Kuwento ni Nadia sa PEP (Philippine Entertainment Portal), kausap daw ni Pops Fernandez si Gretchen nong mga sandaling yon. Apparently, magkasama sina Gretchen at Pops kaya inabot ng huli ang cell phone sa una para kausapin si Nadia.

Kinumusta lang daw siya ni Gretchen at ang kanyang mata. Maikli lang daw ang mga sagot ni Nadia sa usapan nila ng dating kaibigan.

Sinabihan naman daw siya ni Gretchen ng "take care" at nagbilin itong ipaalam sa kanya kapag naipasok na siya sa ospital for operation.

Hindi lang namin alam kung sinadya ni Nadia na huwag tawagan si Gretchen o nawala yon sa isip niya. Sinabi lang nito sa amin na iyon ang una at huling pag-uusap nila ng dating kaibigan matapos ang halos isang taon nilang hindi pagkikibuan.

Wala pang makitang malinaw na posibilidad si Nadia kung pwede pang manumbalik sa dati ang pagkakaibigan nila ni Gretchen. Hindi pa nakikita ni Nadia na magandang simula ang pag-uusap nila sa telepono. Pero inamin niyang nasorpresa siya sa ginawa ng aktres.

NADIA’S EYES. Maliit pa ang kaliwang mata ni Nadia. Matatagalan pa bago ito bumalik sa dating hitsura.

Salaysay ni Nadia, tinanggal daw ang kanyang mata at saka ibinalik uli ng doktor. Tiniis lang daw niya ang sakit para hindi siya tuluyang mabulag.

Awa ang unang naisip ni Nadia sa doktor na unang nag-opera sa kanyang mata kaya hindi niya magawang idemanda ito. Bagamat may responsibilidad talaga ang doktor sa muntik nang pagkabulag ng kanyang mata, may katandaan na rin ito kaya hindi niya magawang kasuhan ito.Itinuturing na lang niyang insidente o kaya ay "malas" ang pagkakaroon ng problema ng kanyang mata matapos itong lagyan ng implant at maimpeksyon.

Hindi nakapaglaro si Nadia ng golf sa Goma Cup dahil pinagbawalan siya ng doktor. Hindi siya pwedeng magbuhat ng mabibigat at hindi rin siya pwedeng ma-stress. Ang naging partisipasyon na lang nito sa event ay ang pagiging commentator o host sa unang araw ng watersports game.

Inamin ni Nadia na napikon siya sa mga sumbong na narinig niya sa pagkakabalya diumano ni Marco Alcaraz sa anak niyang si Ina Asistio sa second day ng relay. Kung nakita raw niya ang insidente ay baka inayaw na niya on the spot ang actor.

Pinalampas niya ang ginawa ni Marco sa anak nong malaman niyang nag-sorry agad ito.


Source: Rey Pumaloy (Philippine Entertainment Portal)

0 comments: