CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Friday, April 24, 2009

Latest Showbiz News

Vina Morales recalls her experience while giving birth to daughter Ceana…

Kahapon, April 25, kinausap ng Startalk host na si Joey de Leon via phone patch si Vina Morales na ngayon ay isa na ngang ganap na ina.

Pagkatapos i-congratulate ay pinansin agad ni Joey ang pangalan na napili ni Vina para sa anak which is Ceana.

Ayon kay Vina, "Its Ceana. It;s a combination of our names. Cedric and Vina. And then, sa babynames.com, ang meaning niya is God is Gracious."

Kumusta naman ang baby?

She’s very okay. Very healthy baby. Nakikita ko nga ngayon sa TV. Nakakaaliw naman, first time ko siyang makita sa TV. Nakakaaliw," masayang sabi ni Vina upon seeing the picture of her baby on the GMA-7 showbiz talk show habang kinakausap siya ni Joey.

Umiyak ba siya nang una niyang makita ang anak?

Oo! And I cannot stop smiling also...ganoon pala yung feeling. Yung labor ko kasi, we took lamaze class. Pero hindi rin nakayanan, nag-epidural pa rin ako.
Kahapon lang ng umaga, 8:49 A.M. nang manganak si Vina with her baby girl, Ceana, a bouncing 6.9-pound baby.

"This morning lang at nagpapasalamat ako kay Dra. Granados, yung O.B. ko and kay Dra. Teodoro, yung pedia at Dra. Rivera at lahat ng nag-aasikaso sa amin dito sa Cardinal, thank you so much.

Biniro ni Joey si Vina kung kailan daw niya susundan si Ceana?

"Maryosep!" natawang sagot ni Vina. "Ang sakit pa ng tiyan ko. Mukhang matatagalan pa’yan kasi, I have to enjoy the baby.”

Source: Rose Garcia (Philippine Entertainment Portal)

0 comments: